Posts Tagged ‘colorectal cancer’

Ang colorectal cancer ay sakit kung saan ang mga abnormal na cells sa colon o rectum ay napakabilis nang pagdami na nagiging isang malignant na tumor. Ang colon at rectum ay bahagi ng digestive system ng tao kung saan naiimbak ang mga hindi natunaw na pagkain bago ito ilabas bilang dumi. Nagkakaroon din dito ng pag-absorb ng mga nutrients at tubig mula sa kinain.

Ilan sa mga sikat na Filipino ang namatay din dahil sa sakit na colon cancer. Sila dating Pres. Corazon Aquino, Chat Silayan, Rio Diaz, Helen Vela at Charlie Davao ay namatay sa sakit na colon cancer.

Karamihan sa mga colorectal cancer ay nagsisimula bilang isang polyp, o mga malilit na umbok sa colon at rectum. Karaniwang nagkakaroon ng mga polyps ang mga may edad na 50 at higit pa ngunit karamihan dito ay hindi cancer o tumor. Ang klase ng polyp na tinatawag na adenoma ay may malaking posibilidad na maging cancer.

Ang colorectal cancer ay ikatlo sa pinakamadalas na cancer na matatagpuan sa mga lalake at babae. Ito ang ikalawang pinakamadalas na sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer.

Ang mga pangunahing risk factor ng colorectal cancer ay ang pagkakaroon ng sakit sa pamilya at katandaan. Ang iba pang risk factors ay ang labis-labis na pag-inom ng alak, katabaan o obesity, kawalan ng ehersisyo, paninigarilyo at hindi tamang pagkain.

Sintomas ng Colorectal Cancer
Walang sintomas na mararanasan sa unang bahagi ng pagkakaroon ng colorectal cancer. Kaya kailangang sumailalim sa mga screening test na nabanggit sa itaas. Ilan sa mga sintomas ng colorectal cancer ay ang mga sumusunod:

1. Pagbabago sa pagdumi, pagkakaroon ng diarrhea o constipation ng ilang araw
2. Pakiramdam na palagi kang kailangang dumumi
3. Pagdudugo ng rectum
4. Dugo sa dumi, maitim ang kulay ng dumi
5. Pananakit ng tiyan
6. Panghihina at pagkapagod
7. Pagbaba ng timbang

——————————————————————————-

Uminom ng Buah Merah Mix Juice.
Ang recommended dosage ay uminom ng 2-3 bottle caps (takip ng bote) sa umaga, at 2-3 bottle caps naman sa gabi at pasundan ng isang basong tubig.

Ang Buah Merah ay nagtataglay ng mga nutrients na kailangan at pagkain ng cells natin sa katawan upang labanan ang mga sakit na sanhi ng mga free radicals na nakukuha natin sa mga kemikal na nasa mga kinakain natin, sa mga bisyo, at sa polusyon sa paligid.

colorectal cancer, Buah Merah, Buah Merah Mix, Essensa Naturale, Health is Wealth, Natures Healing